Lilipad na! Marawi Soldiers, magkaka ‘HONG KONG TRIP’

Mabuhay po ang ating hukbong sandataan ng Pilipinas dahil sa kanilang nagawang tagumpay sa Marawi City. May napakagandang balita po para sa mga magigiting nating kasundaluhan dahil magkakaroon sila ng Free Trip sa Hong Kong. Kinumpirma mismo ito ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar. “Matutuloy iyun, wala lang pang petsa na ibinibigay sa atin ang ating Pangulo,” Kinumpirma rin ito ni Majoy Gen. Restituto Padilla, spokesperson ng Armed Forces sa isang panayam sa kanya ng DZMM Teleradyo. Panoorin nag video: Ang gagamitin na pera dito ay hindi po pera ng gobyerno dahil libre po ito. Ito po ang sinabi ni spokesperson Restituto Padilla. “Isang airline company ang siyang magbibigay ng libreng ticket at ilang private individuals po na nagbigigay ng ano pa mang dagdag sa ibibigay na pambaon po ng ating mahal na Pangulo,” Matatandaan nating nauna ng sinabi ng pangulo na bibigyan nya ng libreng bakasyon sa Hong Kong ang mga sundalong nakipaglaban sa mga Terorista sa Marawi City.
Lilipad na! Marawi Soldiers, magkaka ‘HONG KONG TRIP’ Lilipad na! Marawi Soldiers, magkaka ‘HONG KONG TRIP’ Reviewed by Anne Adams on October 25, 2017 Rating: 5

No comments