PULIS NAGPA-BREASTFEED SA SANGGOL NG INANG MAY DEPRESYON NA DUMULOG SA PRESINTO

Nakatutuwang isipin na sa kabila ng hindi magandang imahe na ipinakikita ng ilang mga alagad ng batas ay may ilang pulis pa rin na tapat at gumaganap sa kanilang tungkulin. Minsan pa nga’y hindi na saklaw ng kanilang trabaho. Usap-usapan ngayon sa social media ang isang pulis makaraang maibahagi ang larawan nito na nagpapa-breastfeed ng isang buwang sanggol. Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ang pulis ay kinilalang si PO2 Rochelle Gordo, isang non-commissioned officer ng PNP office sa Tandag City, Surigao del Sur at nakatalaga sa administrative division ng tanggapan. Sa larawan na ibinahagi ng Tandag Pulis Facebook account, makikita ang isang pulis na nagpapa-breastfeed ng isang sanggol. Ito ay naganap nang dumulog sa Women and Children’s Protection Desk ang isang Grade 12 student na ina na may post-partum depression upang ireklamo ang planong pagkuha ng sanggol ng kanyang ina. Ayon sa ulat, nagkaproblema ang kasamahan ni Gordo na nag-aasikaso sa batang ina ina dahil sa palaging pag-iyak ng sanggol dahil sa gutom. Ito ay naganap nang dumulog sa Women and Children’s Protection Desk ang isang Grade 12 student na ina na may post-partum depression upang ireklamo ang planong pagkuha ng sanggol ng kanyang ina. Ayon sa ulat, nagkaproblema ang kasamahan ni Gordo na nag-aasikaso sa batang ina ina dahil sa palaging pag-iyak ng sanggol dahil sa gutom. Ang pagkakaroon ng walong-buwang gulang na anak at ‘mother’s instinct’ ang dahilan kaya’t pinadede niya nang ilang oras ang sanggol. Wika ni Gordo, ito ang ikaanim na beses na pagpapadede niya ng sanggol sa tanggapan. Saad pa ni Gordo, na-trigger umano ang sakit ng batang ina nang muntikan nang mabundol ang sinakyan nitong tricycle habang papauwi galing sa ospital.
PULIS NAGPA-BREASTFEED SA SANGGOL NG INANG MAY DEPRESYON NA DUMULOG SA PRESINTO PULIS NAGPA-BREASTFEED SA SANGGOL NG INANG MAY DEPRESYON NA DUMULOG SA PRESINTO Reviewed by Anne Adams on October 27, 2017 Rating: 5

No comments