Bobi Tiglao: ‘Hindi sana lumulubog ang Maynila kung hindi pinigilan ni Noynoy ang Proyekto laban sa baha

Panahon na naman ng tag – ulan at lubog na naman ang kalakhang Maynila sa matinding baha kung kaya’t hindi pinalampas ng batikan na columnista ng Bulgar Online na si Bobi Tiglao ang pagmani-obra umano ng dating Pangulong NoyNoy Aquino sa plantchadong proyekto na sana’y ilulunsad na lamang handog ng administrasyong Arroyo. Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P18.7 Bilyones at tinawag na ‘Laguna Lake Rehabilitation Project’ na pangunahing layunin nito ay ang SUMALO sa umaapaw na tubig na nagreresulta ng matinding baha sa Kamaynilaan. Pag sana’y mailunsad, lilinisin ng naatasang ahensiya ang naturang lawa na kilala bilang pinakamalaki sa bansa, kabilang na ang Napindan Channel sa Taytay na magsisilbing lagusan ng tubig nito mula sa Metro Manila. Ayon kay Tiglao, hindi sana malaking pera ang kakailanganin sa nasabing proyekto sapagkat sasagutin na sana ng bansang Belgium ang katumbas sa P7 Bilyones na gastusin bilang REGALO nito sa Pilipinas. Ang tanyag na kumpanyang Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDZ) na pinagmamay – ari ng isang Belgian firm ang sana’y gagawa sa paglilinis ng Lagunda de Bay at ng Napindan Channel.
Bobi Tiglao, photo from Notey Inabot umano ng tatlong taon ang pag – aaral ng bansang ‘Pinas at Belgium, sa ilalim ng maayos na kasunduan para sa naturang Proyekto na nakatakda sanang simulan noong Setyembre 2010 at posibleng matapos agad ng taong 2012. Abot - langit ang suportang ibinigay ni dating Laguna Governor Jorge Ejercito “dahil malaking bahagi ng probinsiya niya ay binabaha dahil hindi na makata­tanggap ng tubig-ulan ang Laguna de Bay,” ayon kay Tiglao. Tila nag – iba ang ihip ng hangin ng pumasok na sa eksena si Ex P-Noy sapagkat agarang IPINATIGIL nito ang naturang proyekto sa kadahilanang bahagi lamang daw ito ng isang malaking pangungurakot ni dating Pangulong Arroyo at mga opisyales nito.
Benigno Aquino III, photo from Philstar.com Mismong Prime Minister na ng Belgium na si Yves Leterme na ang humingi ng apela kay Panot, este, kay Ex P-Noy na konsiderahin ang paglunsad ng Laguna Lake Rehibilitation Project ngunit nakuha pa nitong tanggihan ang alok ng dayuhan. Kinala-unan ay idemanda TAYO ng kumpanyang BDZ sa World Bank International Centre for the Settlement of Investment Disputes (ICSID). Sa kasawiang – palad ay wala man lang naipalit na proyekto si Ex – PNOY katumbas nito para sana’y hindi na lumutang sa baha ang Kamaynilaan. Ayon pa kay tiglao, “Mapapamura ka talaga kay ex – P – Noy.”
Bobi Tiglao: ‘Hindi sana lumulubog ang Maynila kung hindi pinigilan ni Noynoy ang Proyekto laban sa baha Bobi Tiglao: ‘Hindi sana lumulubog ang Maynila kung hindi pinigilan ni Noynoy ang Proyekto laban sa baha Reviewed by Anne Adams on July 21, 2018 Rating: 5

No comments