Duterte, nag alay ng donasyon sa Caritas sa kabila ng binitawang salita tungkol sa Simbahang Katoliko

Nanatiling mag – alay ng kagandahang loob si Pangulong Rodrigo Duterte sa Caritas Davao Foundation sa kabila ng pambabatikos at pagmumura nito sa Simbahang Katolika. Bagama’t hindi pa nakakapag – abot para sa taong ito, ibinunyag ni Caritas Davao Head Sr. Rose Duhaylungsod na hindi pumalya ang Pangulo sa pagbahagi ng donasyon mula 2015 hanggang 2017 sa naturang Institusyon. Nagsimulang magbigay ang Pangulo sa Caritas Davao simula noong nangako itong maglalabas siya ng P1,000 sa bawat ‘pagmumura’ nito at nang makapulong si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Davao Archbishop Romulo Valles noong December 4, 2015. President Rodrigo Duterte and Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal, photo from Inquirer News (Google) Kabilang sa Archdiocese of Davao, ang Caritas ay ang pinakamalaking Charitable Organization ng Simbahang Katolika na may mga sangay sa iba’t ibang bansa na ang layunin ay tumugon sa pangangailangan ng mga dukhaang mamamayan. Dati nang naki – usap ang Presidente ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan na si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na, bagama’t bahagi na umano ng personalidad ng Pangulo ang madalas na pagmumura, pinaki – usapan parin nito na kung maari ay BAWASAN man lang ang pagpapakawala sa mga ito lalo na sa mga panayam. Hindi naman aniya hiniling na baguhin ang personalidad nito kundi ang pagbabawas lamang pagmumura nito sa kanyang mga pahayag. “Ang paki-usap namin kay Mayor Duterte, bawas-bawasan ang pagmumura niya, pero hindi naman totally na mawawala, kasi hindi na siya iyon kapag nawala na, gusto namin makita ng tao ang totoong siya,” ayon kay Pimentel. Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle and President Rodrigo Duterte, photo from GMANetwork.com (Google) Dagdag pa ni Pimentel, mabuti parin aniya na makita ng taumbayan ang tunay na pagkatao ng Pangulo ipaubaya nalang sa publiko ang pagtanggap sa kinagawi-an nito. Hinikayat din ng PDP President ang media na tiyakin ang mga detalyeng nasasabi ng Pangulo lalo na ang tila mga ‘exaggerated’ nitong pahayag tungkol sa pagsugpo nito ng krimen sa Davao City. Aniya, “part ng exaggerations para ipakita sa mga kriminal na kung matapang sila, ay mas matapang siya.”
Duterte, nag alay ng donasyon sa Caritas sa kabila ng binitawang salita tungkol sa Simbahang Katoliko Duterte, nag alay ng donasyon sa Caritas sa kabila ng binitawang salita tungkol sa Simbahang Katoliko Reviewed by Anne Adams on July 08, 2018 Rating: 5

No comments