Jay Sonza binanatan ang maling report ng GMA sa pagdalo ni Duterte sa laban ni Pacquiao: “Ivan Mayrina, Magaral kang mabuti”

Pinuna ng beteranong newscaster at tubong – kapampangan na si Jay Sonza ang naging pahayag ng GMA reporter na si Ivan Mayrina sa balitang nasa VIP Section di – umano pumwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa matagumpay na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Lucas Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Linggo, Hulyo 15. Ayon sa Facebook post ni Sonza, ang VIP Section ay nagkakahalaga lamang ng US$1 - 5 Million sa bawat laro na nakalaan lang para sa mga major sponsors ng naturang palaro at bagama’t may kamahalan, ang pwestong ito ay nakaharap mismo katabi ng boxing ring. Ang Ringside Tickets naman ay pumapalo sa presyong $1,000 – $2,000, samantalang nasa $150.00 naman ang presyo ng General Admission kung saang nakaluklok ang mahal na Presidente at mga kasamahan nito kabilang na ang pinuno ng Malaysia na si Prime Minister Mahathir Bin Mohamad.
Jay Sonza, photo from Twitter Tila hindi naman mapagkakaila kung saan nga ba nakaupo ang Pangulo at mga kasamahan nito dahil kitang – kita naman sa Telebisyon na nasa pinakatuktok at pinakamalayong bahagi na ng Arena ang kinalagyan ng naturang mga opisyal. Kaya’t paratang na lamang ni Sonza sa maling report ni Mayrina, “TANGA AT BOBO LANG ANG HINDI NAKAKAALAM NITO.” Sinamahan pa ni Sonza ng maikling mensahe nito para kay Mayrina sa wikang Kapampangan na katumbas ay nagsasabing: “Ivan, mag-aral kang Mabuti para hindi ka magmukahang engot, ignoramus at nakakahiya. gusto ko ring ipabatid sa iyo na hindi lang iyong nagtatae at unaalingasaw sa loob ng simbahan ang nakakahiya, kahit iyong nakabihis newscaster/reporter na walang laman ang utak, nakakahiya rin hijo.”
Ivan Mayrina, photo from Facebook Narito ng kabuo – an ng kanyang post: “Ang talino naman ng GMA reporter na nagsabing nasa VIP section si PRRD sa laban ni Pacquiao. Ang ticket sa VIP SECTION (mismong sa harap ng boxing ring) is reserved for major sponsors (US$1-5 million), world boxing champions and dignitaries (invited by the promoter) only. Ringside tickets are peg between $1,000-2,000. Iyong general admission area kung saan naroon sina Messrs. Duterte at Mahatir ay may presyong $150.00. TANGA AT BOBO LANG ANG HINDI NAKAKAALAM NITO. “Ivan Merina, manigaral kang masalese itu ban kanita eka lulwal a makarine, maklak a buntok ampong lulto turak ne, dipa ning mayap abe. emu ing mangapatakla keng pisamban ing makarine itu.
Jay Sonza binanatan ang maling report ng GMA sa pagdalo ni Duterte sa laban ni Pacquiao: “Ivan Mayrina, Magaral kang mabuti” Jay Sonza binanatan ang maling report ng GMA sa pagdalo ni Duterte sa laban ni Pacquiao: “Ivan Mayrina, Magaral kang mabuti” Reviewed by Anne Adams on July 17, 2018 Rating: 5

5 comments

  1. sa tingin ko hindi gawa nang isang tanga o bobo, talaga lang gustong sirain ang presidente sa mata nang mga tao.

    ReplyDelete
  2. wala nman ibang ginawa ang mga bias naand rappler kundi fake newsand or siraanmove ang presidente.kahit anung sira ninyo sa predidente sya parin ang dupirtahan namo. mga bias naand repoeter nangangamoy tae kyo lage.

    ReplyDelete
  3. wala nman ibang ginawa ang mga bias naand rappler kundi fake newsand or siraanmove ang presidente.kahit anung sira ninyo sa predidente sya parin ang dupirtahan namo. mga bias naand repoeter nangangamoy tae kyo lage.

    ReplyDelete
  4. Uso na kasi ngayun ang pabobohan at walang kwentang pagbabalita!

    ReplyDelete
  5. Uso na kasi ngayun ang pabobohan at walang kwentang pagbabalita!

    ReplyDelete