Anti – Crime Advocate group, nag – alok ng P1-M sa kinaroroonan ng mga partylist solons

Matapos himukin ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde noong Lunes na sumuko na lamang sa mga awtoridad ang apat (4) na dating mga partylist solons kaugnay sa pagpatay sa isang Carlito Bayudang noong 2004 at Jimmy Peralta noong 2003, nag – alok naman ngayon ng pabuyang umaabot sa P1 – Milyong ang Citizen Crime Watch (CCW) sa sinumang makakapaglahad ng pinaroroonan ngayon ng mga ito. Manggagaling umano ang reward money sa iilang kliyente at negosyanteng sumusuporta sa kampanya ng mga tagapagtaguyod kontra – krimen, ayon kay CCW National Legal Adviser Atty. Ferdinand Topacio sa isang News Forum na isinagawa sa Quezon City nitong Sabado. Dagdag pa nito, tig – 250,000 ang pabuya sa bawat ulo na mahuhuli sa apat na kasalukuyang nahaharap sa kasong double murder. Ayon kay Topacio, “ang kinaiinis po nitong mga kaibigan natin who are in the private sector, parang tinatawanan nitong apat ang arrest order, ang warrant of arrest ng hukuman natin. Sinasabi nila nagtatago sila because these are fabricated cases, etc., hindi sila susuko. It's not up to an accused to say that; it's up to the court.”
Rafael Mariano, Satur Ocampo, Liza Maza and Teddy Casiño, photo from abscbn Nito lamang Hulyo 11, 2018 nagpalabas ng Warrant of Arrest para sa isinampang kasong double murder na pinirmahan ni Judge Evelyn Turla ng Palayan, Nueva Ecija Trial Court sa apat na sina dating Bayan Muna partylist representative Satur Ocampo at Teddy Casiño, dating Anakpawis representative Rafael Mariano at dating Gabriela partylist representative Liza Maza. Ayon naman sa hanay ng CCW na kinakatawan ng Presidente nitong si Diego Magpantay, nakipag – ugnayan na umano ang grupo sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sinabing pinayagan nito ang naturang reward money. “Kausap ko pa lang kanina 'yung kanilang intelligence officer and I just informed them that mayroon nga tayong ibibigay na reward money doon sa makakatulong, sa makakapagbigay ng information tungkol dito,” ayon kay Magpantay. Patuloy namang isinasagawa ang manhunt operations laban sa 4 na akusado, ayon kay PNP Chief Albayalde. Labis namang ikinadismaya at kinondena ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang paglabas ng Warrant of Arrest. Sa isa pang pahayag, tinawag namang isang ‘cheap publicity stunt’ ang pagkakaroon ng ‘reward money’ para ma-isuko lamang ang mga akusado ayon sa kalihim nitong si Secretary General Renato Reyes.
Photo from Pinoy Weekly Nailagay lamang di – umano ang kapakanan ng mga ito sa panganib at kinuwestiyon ang aniya’y ‘gimmick’ na ikinataon pa sa nakabinbing ‘Motion for Reconsideration’ ng mga akusado upang maibasura ang kaso. Aniya, "We look forward to a just and favorable resolution of this case that has dragged on for 12 years. What does CCW and Topacio now hope to achieve with this lame stunt? Why are they quick to portray the 4 as criminals when once upon a time, CCW and Topacio were so eager to march with the 4 on different issues? Wow. Ang galing niyo ha. Atat kayong makulong ang 4."
Anti – Crime Advocate group, nag – alok ng P1-M sa kinaroroonan ng mga partylist solons Anti – Crime Advocate group, nag – alok ng P1-M sa kinaroroonan ng mga partylist solons Reviewed by Anne Adams on August 06, 2018 Rating: 5

No comments