Cristy Fermin kay Mocha Uson: Sobrang kapal! Wala nang kinatatakutan ngayon

Cristy Fermin and Mocha Uson / Composite photos from Pinterest and abs-cbn news Naglahad ng pagka – dismaya ang batikan na showbiz reporter at tabloid journalist na si Cristy Fermin tungkol kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa nilathalang artikulo sa nitong Sabado, Agosto 11, sa Bandera. Ito ay kaugnay parin sa nag viral na video kamakailan kasama ang kapwa vlogger nito na si Drew Olivar kung saang marami ang nainis at kinasuklaman ang estilo ng pag – awit at pagsayaw tampok ang ‘Pederalismo’ Ayon kay Fermin, hindi na daw lubos pang maisip ng nakararami kung saan pa humuhugot ng apog at kapal ng mukha si Uson ukol sa kanyang ‘pagmamalabis at pambabastos sa maraming seryosong bagay-bagay.’ Tinawag din nitong ‘makapal’ ang dating sexy dancer lalo na nung ipinagmalaki pa aniya nito ang video na lalo namang ikinagalit ng mga ‘thinking pinoy’.
Cristy Fermin, photo from Twitter Giit ni Fermin, parang gusto pa umano ni Uson na purihin siya sa kabila ng ginawang kabastusan. Dagdag pa nito, nagbigay din umano ng komento ang kilala nitong Propesor tungkol kay Mocha sa kabila ng kaliwa’t – kanang kahihiyang ginagawa nito sa kaslukyang administrasyon. Aniya, “Lumalaki ang ulo niya dahil parang kinukunsinti pa siya ng matataas na pinuno ng gobyerno natin na dapat unang-unang sumoheto sa kanya. Ayun, akala tuloy ni Asec Mocha, e, palaging okey lang ang mga ginagawa niya! Matagal na siyang pinaaalis sa posisyon ng mga kababayan natin, pero nand’yan pa rin siya, parang hindi man lang natitinag. Palibhasa, alam niyang nakasandal siya sa pader, kaya lumolobo ang ulo niya!” Mababatid na maraming Senador ang bumatikos kay Uson, kabilang na si Senate President Tito Sotto na nagsabing, "Theatrical techniques will not work to explain a very serious and highfalutin issue, such as federalism."
Mocha Uson and Drew Olivar, photo from UNTV Ayon naman kay Senator Panfilo Lacson, lalo pa umanong pinatay ni Uson ang talakayan ng Pederalismo sa Senado at naghihintay na lamang itong ma – cremate. Sinabi nito na, "Without Mocha Uson, federalism is already dead and awaiting cremation at the Senate. With Mocha Uson, the ashes should be thrown far, far away from the Philippines’ 7,107 beautiful islands." Nilinaw naman ni Uson na walang pondo ng gobyerno ang naiwaldas sa online game show kung saang naisagawa ang video. Aniya, "Wala pong inilabas na pera dito sa video na ito o sa game show na ito. Walang pera, walang budget, hindi po binayaran si Drew." Taliwas naman sa komento ng lahat, depensa ni Harry Roque na mabuti naman aniya ang hangarin ni Uson na maipaliwanag ang paksa ng Pederalismo ngunit ‘mali lang ang antas ng diskurso.’ Sa panayam nito sa radio dzRH nitong Lunes, sinabi ni Roque na, "siguro meron siyang mabuting mga hangarin at nakamit niya siguro iyong hangarin niya na dapat pag-usapan. Pero hindi po ganyang pag-uusap ang ninais natin." ****
Cristy Fermin kay Mocha Uson: Sobrang kapal! Wala nang kinatatakutan ngayon Cristy Fermin kay Mocha Uson: Sobrang kapal! Wala nang kinatatakutan ngayon Reviewed by Anne Adams on August 12, 2018 Rating: 5

No comments