Dating Konsehal: Naga, pinamumugaran ng iIligal na Droga

Upang patotohanan ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na talamak sa iligal na droga ang lungsod ng Naga, humarap sa media ang dating Konsehal nito na si Luis Ortega upang patunayan na mismong kapatid ng dating DILG Secretary Jesse Robredo ang umano'y 'PROTEKTOR' ng Drug Lords kaya't hindi nalalansag ang mga ipinagbabawal na gamot sa lugar. Inakusahan ni Ortega si Butch Robredo sa isang pulong – balitaan na ginanap sa Quezon City na siya umano ang may pakana sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamut sa kanilang lugar kahit nasa Estados Unidos ito kasalukuyang nagtatago. "Protektor nga eh, lahat na may positive na may droga (na may koneksiyon) sa City Hall,pinrotektahan niya. Hanggang ngayon nandiyan pa," ayon kay Ortega. Aabot din umano sa 75 na iba't ibang kaso ang isinampa laban sa mga Robredo sa Naga City subalit mahigit 29 naman dito ay naibasura na. Nanindigan din Ortega na may sapat itong dokumento na nagpapatunay sa talamak na pagkalat ng iligal na droga sa naturang lungsod at sinabing 13 sa 27 Barangay ng Naga City ang apektado nito.
"Nandito nga, ayaw ibigay sa akin. Ayaw ibigay yung mga lista dahil mag-file ako ng kaso,” ayon kay Ortega. Dagdag pa nito, alam ni VP Leni Robredo lalo na ang mismong kasalukyang Alkalde ng Naga na si Mayor John Bongat ang pagkakaroon ng iligal na aktibidad. “Isa pang example po na talagang ebidensiya, mayroon akong Beach...yung excursionan sa Pasacao. Arkilado ko, inuupahan ng tauhan ni Mayor Bongat. For 2 nights and 2 days, hindi na nagbayad, nagkalat pa ng droga sa Pasacao. Totoo iyan, alam 'yan ng tao ko. Pinuntahan niya si Mayor Bongat, sinisingil. Hanggang ngayon nagbayad, namatay nalang yung (kuwan ko doon) taga - alaga." Kuwento ng dating opisyal. Tahasan din na sinabi ni Ortega na pinapaikot – ikot lamang di – umano ang mga ipinagbabawal na gamot na nakukumpiska ng mga tauhan ng lokal na Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod habang parami naman ng parami ang nasasawi kaugnay sa iligal na aktibidad.
Dating Konsehal: Naga, pinamumugaran ng iIligal na Droga Dating Konsehal: Naga, pinamumugaran ng iIligal na Droga Reviewed by Anne Adams on August 23, 2018 Rating: 5

No comments