Sa mga taong nagrereklamo sa Israel trip ng Military: "Mahiya kayo. Mga ingrato." - Krizette Chu

Hindi napigilan ni Krizette Laureta Chu, kilalang manunulat at sikat na personalidad sa social media ang maglabas ng pagkadismaya sa mga tao na diumano ay nagrereklamo at kumukuwestiyon sa desisyon ng Pangulo na dalhin at isama ang mga ibang retired at active military sa kanyang pagbisita sa Israel sa susunod na buwan bilang isang "gantimpala" para sa kanilang paglilingkod. Kahapon, Agosto 28, 2018, sa isang Facebook post, ipinaliwanag ni Ms. Krizette sa mga tila hindi nakakaintindi kung bakit kinakailangan isama ng Pangulo ang mga militar at ano ang kahalagahan ng mga ito sa bansa. Ipinagdiinan din niya na dapat mahiya ang mga taong nagrereklamo sa pag-alis ng mga retiradong pulis at sundalong ito patungong Israel sapagkat aniya, hindi matatawaran ang serbisyong ibinibigay ng mga ito sa bawat giyerang sinusuong kapalit ang kani-kanilang buhay, kaya marapat lamang na paminsan ay mabigyan ng benepisyong maglakbay sa ibang bansa.


President Rodrigo Duterte (Photo credit to Philippine Star)

 "Pangatlo, mahiya naman kayo. They lived their lives in service to us, bawat giyera kapalit buhay. Ano ba naman ang travel sa Israel? And take note mababa ang suweldo nila dati, so they were working for peanuts. ikaw, bibigyan kita ng 20k a month, tapos by the end of your career, may pa trip ka na isa to Israel, kapalit ay araw araw nasa peligro ang buhay mo, at makikipag barilan ka sa terorista at NPA, papayag ka? Di ba hindi? Israel yun na may pakinabang, di naman Las Vegas.", aniya. Hindi din napigilan ni Ms. Krizette na ihambing ang mga 'travels' ng Pangalawang Pangulo na ayon sa kanya ay wala namang silbi at serbisyo sa bayan ngunit manaka ay hindi naman nirereklamo ng mga taong ito. "Pang-apat, si Leni nga na walang kuwenta, walang silbi sa bayan ang travels, walang serbisyo, walang buhay na inalay, wala kayong reklamo, bitbit pa yung mga chuwariwap nya?", sabi ni Ms. Krizette. Sa huli pinagalitan ng sikat na personalidad ang mga taong ito at sinabing "Mahiya kayo. Mga ingrato. Your freedom is not free. Punyeta.".


Philippine police and soldiers (Photo credit to Philippine Star)

Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba:

 "Nakakadiri yung mga taong nag rereklamo na dadalhin ni Duterte ang ibang retired at active military sa Israel. Una sa lahat, pag ang Presidente nakasakay sa eroplano, hindi yun commercial flight. You pay the airline per hour or per day, not per person. Pangalawa, some of the best militaries in the world are encouraged by their countries to travel. Some countries have special discounts for military travels for their tickets, accommodations, and they even have special lounges at the airports. Ganon ang pagpapahalaga sa military kasi buhay nila ang kapalit. Pangatlo, mahiya naman kayo. They lived their lives in service to us, bawat giyera kapalit buhay. Ano ba naman ang travel sa Israel? And take note mababa ang suweldo nila dati, so they were working for peanuts. ikaw, bibigyan kita ng 20k a month, tapos by the end of your career, may pa trip ka na isa to Israel, kapalit ay araw araw nasa peligro ang buhay mo, at makikipag barilan ka sa terorista at NPA, papayag ka? Di ba hindi? Israel yun na may pakinabang, di naman Las Vegas. Pang-apat, si Leni nga na walang kuwenta, walang silbi sa bayan ang travels, walang serbisyo, walang buhay na inalay, wala kayong reklamo, bitbit pa yung mga chuwariwap nya? Mahiya kayo. Mga ingrato. Your freedom is not free. Punyeta."
Sa mga taong nagrereklamo sa Israel trip ng Military: "Mahiya kayo. Mga ingrato." - Krizette Chu Sa mga taong nagrereklamo sa Israel trip ng Military: "Mahiya kayo. Mga ingrato." - Krizette Chu Reviewed by Taong Grasa on August 29, 2018 Rating: 5

No comments