Challenge Accepted: Manny Piñol, kinain ang bukbok rice at Galunggong sa harap ng publiko.

Dahil sa patuloy na pagbatikos ng mga otoridad sa bukbok rice, kinain mismo ni Piñol sa harap ng pampublikong telebisyon ang kanin para patunayan na ito ay hindi delikado. "Puwedeng kainin, ipapakita ko sa inyo.... Ako mismo nagsaing nito" pahayag ni piñol Walang takot Pinakita niya sa harap ng camera ang isang lalagyan na puno ng kanin na may mga uod pa, na sa tingin ko ay medyo nakakadiring tignan. Piñol: Ang isyu dito ay ung bigas na ginapangan ng bukbok ay pwede pang kainin, pwede Piñol: Kanina pakita po natin kung pano sya hinugasan. Piñol: Ung galunggong daw ba ay may formalin, wala. Sa limang test, negative lahat sa formalin ang galunggong. May pandidiri? Ngunit maririnig din sa pahayag ni Piñol na hindi din siya interesado . “Wala akong sinabing kakain ako ng bukbok. Ang sinasabi ko lang, huwag nating itapon ang bigas na ginapangan ng bukbok kasi ‘pag hinugasan yan, makakain yan,” Tama naman ang punto ni Piñol na hindi magandang kainin ang kanin na may mga kuto pa. Ang bukbok rice ay magiging katulad na din ng pangkaraniwang kanina na nakikita sa mga palengke kapag ito ay nalinis na. Ang mga kanin din ay nangaling din sa lupa, tinanim, nilinis, inayos, at kinain din ng maraming tao. Ang bukbok na kanin ay walang pinagkaiba sa mga ito, at ang nakikitang imahe sa litratong ito ay isang proseso lang sa paglinis ng kanin. Pinanindigan ni Piñol na kainin ang bukbok na kanin pero hindi sa lugar ng mga nagpoprotesta na nasa Department of Agriculture. Walang masamang epekto Ang sikat ng pagkain ng Pinoy na galunggong ay ang pinangkaterno niya sa bukbok na kanin. "Gawa-gawa iyan ng mga negosyante na ayaw nila na 'yung bagong import system natin, dadaan na sa mangingisda ang mga import", huling pahayag ni Piñol. Hanggang sa matapos ang interbyu ay makikita na walang nangyari masama kay Piñol pagkatapos niyang kainin ang kanin na nadaanan ng bukbok. Kung tutuusin magandang opportunidad na ito ng Pilipinas na makatipid pa lalo sa gastusin at ung ipangagastos umano ng pagbili pa ng kanin ay pupwedeng gamitin na pondo na lamang sa pagpapatayo ng mga proyekto at establisimento.
Challenge Accepted: Manny Piñol, kinain ang bukbok rice at Galunggong sa harap ng publiko. Challenge Accepted: Manny Piñol, kinain ang bukbok rice at Galunggong sa harap ng publiko. Reviewed by Anne Adams on September 10, 2018 Rating: 5

No comments