Padilla Challenges Senator Trillanes: "Kung ikaw ay malinis lumabas ng Senado"

Hanggang ngayon ay patuloy na naghihintay ang Aktor na si Robin Padilla kay Senador Antonio Trillanes sa labas ng Senado upang panoorin ang pag-aresto sa Senador. Kahapon matapos ilabas ng MalacaƱang ang Proclamation No.572 na naglalayon na ipawalang bisa ang amnestiya ni Senador Trillanes. Agad tumungo si padilla sa harap ng senado upang makita ang pag-aresto sa senador. Ngunit Lumipas ang maghapon, bigo itong makitang inaaresto si Trillanes matapos ibasura ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang hiling ng Department of Justice na maglabas ng alias warrant of arrest at hold departure laban kay Trillanes. Matapos nito, kinaumagahan ay muling bumalik si Padilla sa harap ng Senado sa pag-aasam na makitang inaaresto si senador Trillanes. Dito ay nakapanayam na sya ng media, sabi nito sa paghihintay niya kay trillanes na lumabas sa senado, hindi na nya makuhang makapag trabaho. "Pumuntaka na tol', pare para matapos na rin kaming lahat dito, kasi ako may trabaho din ako hindi ako makapag trabaho e, kasi gusto kong makita itong katapangan mo na haharapin mo itong kaso sayo" pahayag ni padilla. Hamon ni Padilla kay Senador Antonio Trillanes kung malinis umano ito lumabas siya ng Senado at harapin ang mga nag-aakusa sa kanya. "Humarap ka naman sa totoong korte', ano ba naman yun to hindi naman mabigat yon" pahayag ni Padilla, "Kung totoong wala kang kasalanan pare, at totoong naniniwala ka na ikaw ay malinis' pare lumabas ka dyan!" "Lumabas ka dyan pumunta ka don kung saan yung nag-aakusa sayo" hamon ni Padilla. Si Padilla ay isa sa mga masugid na taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Aktibo rin ang aktor sa social media kung saan pinaglalaban niya si Duterte sa mga Kritiko nito. Watch Video:
Padilla Challenges Senator Trillanes: "Kung ikaw ay malinis lumabas ng Senado" Padilla Challenges Senator Trillanes: "Kung ikaw ay malinis lumabas ng Senado" Reviewed by Anne Adams on September 05, 2018 Rating: 5

No comments