Trillanes tsismosong tanga! — Mike Arroyo

Sinabihan ni dating First Gentleman Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo si senador Antonio Trillanes IV na "tanga" matapos umanong magkalat ang senador ng mali-maling impormasyon tungkol sa namayapang ama ni Pangulong Rodrigo Duterte na si dating Davao Gov. Vicente Duterte. Sa isang press comference kamakailan ay sinabi ni Trillanes na gusto nitong ipasiyasat kung talaga daw bang nakapasa si Pangulong Duterte sa Bar Exams nito bilang Abogado. Ayon sa kanya, "Ang kailangan review-hin kung nakapasa ba talaga ng bar itong si Duterte. Baka nilakad lang ito ng tatay niya kasi governor ang tatay niya noon." Sinabi din ni Trillanes na posible daw na ‘nilakad’ lamang ng dating governor ng Davao ang mga papeles noong 1972 Bar Examinations upang maipalabas na pasado ito sa Bar Exam.
Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo / Photo from ABS-CBN News "Someday papahanap natin 'yung resulta ng exam niyan baka nga talagang nilakad lang 'yan. I'm serious about it because he doesn't act like he knows the law. He flouts the law at every turn," sabi ni Trillanes. "This guy is amazingly stupid. Talagang lumalabas, he can't hide it," tahasang sinabi ni Trillanes tungkol sa Pangulo sa ginanap na press conference. Nakuha pa ng magaling na Senador na maliitin ang kakayahan ng San Beda College of Law na makapag – patapos ng mga dalubhasang katulad nito kung pagbabasehan lang naman ang talinong taglay ng Pangulo. Aniya, "Sorry sa San Beda College of Law, but I am not impressed with your product which is Mr. Duterte." Dahil dito, inupakan ni Mike Arroyo ang naging pahayag ng senador. Sa kanyang Facebook comment sa post ng batikang manunulat na si Rigoberto ‘Bobi’ Tiglao, sinabihan ni Arroyo si Trillanes na "tanga" dahil napaka-hilig umano nitong magpakalat ng tsismis.
Senator Antonio Trillanes / Photo from Philippine Star “Who believes that idiot Trillanes anyway? He is a purveyor of fake news!” sabi ni Arroyo sa komento sa post ni Tiglao. Iginiit ni Arroyo na pawang kasinungalingan lamang ang sinasabi ni Trillanes dahil taong 1968 pa ay pumanaw na ang nakakatandang Duterte samantalang si Pangulong Duterte ay kumuha ng pagsusulit sa pagiging abogado noong taong 1972. Malinaw umano na apat na taon ng namayapa ang nakatatandang Duterte nang pumasa si Pangulong Duterte sa Bar Exams. Malinaw din umano na puro tsismis lamang ang ikinakalat ni Trillanes sa tuwing nagkakaroon ito ng press conference sa media.
Trillanes tsismosong tanga! — Mike Arroyo Trillanes tsismosong tanga! — Mike Arroyo Reviewed by Anne Adams on September 09, 2018 Rating: 5

No comments