OFW Na Nanghingi Ng Tulong Kay Raffy Tulfo, Pum4naw Habang Nasa Kalagitnaan Ng Byahe Pabalik Sa Pilipinas

 


Ang Overseas Filipino Worker (OFW) na naka-base sa Saudi Arabia na humingi ng tulong sa mamamahayag na si Raffy Tulfo kamakailan lamang ay hindi na nagawang makabalik sa Pilipinas dahil sa ito ay sumak4bilang buhay na dahil sa kaniyang s4kit.

Sa kaniyang reklamo, ang OFW na si Leonida Morales ay mayroong iniinda na matinding s4kit. Napagdesiyunan niyang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo dahil alam niyang isa ito sa mga maaasahan at makakatulong talaga sa kaniya na makauwi na sa bansa at makasama ang kaniyang pamilya sa mga oras ng hamon ng buhay na dumating sa kaniya.

Tinulungan naman ng beteranong mamamahayag si Morales na makauwi sa bansa. Gayunpaman, naiulat na pum4naw na nga ang OFW sa kalagitnaan ng kaniyang byahe pauwi ng bansa.

Ayon sa mga kamag-anak ni Morales, nais na daw talaga nitong makauwi dahil na din nga sa s4kit na iniinda. Hindi siya makapagpagamot sa Saudi Arabia dahil mahal umano ang medical treatment doon.

Marami sa ating mga netizens ang inakala na magkakaroon na ng happy ending ang kwento ni Morales, gayunpaman, isang nakakalungkot na pangyayari ang nangyari sa OFW na pum4naw habang nasa byahe pauwi ng bansa.

Pinaalam din ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ni Morales ang nakakalungkot na nangyari sa OFW.

Maging ang reporter na nag-cover ng kwento ni Morales ay hindi na din napigil ang kaniyang kalungkutan nang bisitahin niya ang pamilya ng OFW.

“Mabigat rin po sa loob ko, hindi po natin inaasahan na ‘yun po ang mangyayari dahil noong kausap ko pa po si ma’am sabi ko po sa kanya ay update niyo po ako once na nakalapag kayo, nagme-message din po kami sa kanya.”

OFW Na Nanghingi Ng Tulong Kay Raffy Tulfo, Pum4naw Habang Nasa Kalagitnaan Ng Byahe Pabalik Sa Pilipinas OFW Na Nanghingi Ng Tulong Kay Raffy Tulfo, Pum4naw Habang Nasa Kalagitnaan Ng Byahe Pabalik Sa Pilipinas Reviewed by Trending Daily on October 11, 2020 Rating: 5

No comments