Mga netizen, pinuri ang angking kagwapuhan ng anak nila John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto

Minsan lamang maging bata ang anak kaya mukhang sinusulit talaga ni first-time mom Ellen Adarna ang bonding moments nila ng kanyang anak na si Elias Modesto.

Kamakailan lamang ay nag-post ng mga litrato sa kanyang Instagram si Ellen kasama ang anak kuha mula sa kanilang beach outing.

Sa mga larawan ay makikita ang bonding moments nina Ellen at Elias. Sa isang video ay sabay na tumalon sa dagat ang mag-ina suot ang kanilang life-jacket. Makikita naman sa isang larawan na nagje-jetski si Ellen kasama si Elias. Mahahalata sa mukha nina Ellen at Elias na nag-eenjoy sila sa beach outing.

Kapansin-pansin din sa mga larawan ang hindi pa rin kumukupas na kagandahan at kaseksihan ni Ellen.

Sa isang larawan ay makikita si Ellen na ibinibida ang kanyang seksing katawan suot ang kanyang black swimsuit.

Matatandaang inamin noon ni Ellen na hindi niya itinatago ang anak ngunit hindi niya ito masyadong ipinapakita sa social media para maprotektahan umano ang privacy ng anak. Si Elias ay anak ni Ellen sa dating kasintahan na si actor John Lloyd Cruz.

Mukhang unti-unti na namang ibinabahagi ni Ellen sa mundo ang kanyang napakagwapong anak.

Hindi naman maitago ng netizens ang kanilang tuwa nang masilayan ang close-up picture ni Elias. Bumaha ang iba’t ibang reaksyon ng netizens kung sino ang kamukha ni Elias. Anila, mas kamukha raw ni John Lloyd ang anak. Namana naman daw ni Elias ang matangos na ilong ni Ellen.

Mga netizen, pinuri ang angking kagwapuhan ng anak nila John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto Mga netizen, pinuri ang angking kagwapuhan ng anak nila John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto Reviewed by Trending Daily on October 16, 2020 Rating: 5

No comments

/* remove m=1 blogger by www.raqmedia.com/ */