Agot Isidro, sinabihan ang isang international star na ibigay ang kanilang donasyon sa Office of the Vice President

Pinuna ng ilang netizens ang aktres na si Agot Isidro dahil sa tila panghihingi nito ng donasyon sa international actor na si Mark Ruffalo na nakikiisa ngayon sa pagdarasal para sa mga apektado ng bagyong Rolly.

Sa isang tweet ay hinimok ni Ruffalo, na gumanap bilang The Incredible Hulk sa The Avengers ang kanyang mga followers na ipagdasal ang mga naninirahan sa Pilipinas dahil sa lakas ng bagyong Rolly.

Sinabi rin ni Ruffalo na dapat ay maghanda na ang mga tao sa pagpapadala ng donasyon sa Pilipinas.

Isa si Agot sa mga naki comment kay Ruffalo at hinimok nito ang aktor na ipadala na lamang ang kanyang donasyon sa opisina ni Bise Presidente Leni Robredo.

“Please send donations to the Office of Vice President @lenirobredo Thank you!” ani Isidro.

Agot Isidro, sinabihan ang isang international star na ibigay ang kanilang donasyon sa Office of the Vice President Agot Isidro, sinabihan ang isang international star na ibigay ang kanilang donasyon sa Office of the Vice President Reviewed by Trending Daily on November 03, 2020 Rating: 5

No comments

/* remove m=1 blogger by www.raqmedia.com/ */