Lyca Gairanod, masayang ipinasilip ang kanyang bahay na naipundar para sa kanyang pamilya

Sa kabila ng kaniyang nakamit na tagumpay matapos makuha ang titleholder na The Voice Kids Season 1 Grand winner, bumuhos naman ang mga oportunidad para sa young star na si Lyca Gairanod, na siyang naging daan naman sa young star upang matulungan ang pamilya at makapagpagawa ng bahay.

Matatandaan na unang binahagi ni Lyca sa publiko ang kinalakihan nitong tahanan na matatagpuan sa Tanza, Cavite at nasilayan ang pagiging emosyonal nito ng makasama at magbigay ng mensahe ang kaniyang Lola para sa kaniya.

Kaya naman sa pagkakataong ito, ay ipinasilip naman ni Lyca ang kaniyang ipinatayong bahay, kalapit ng unang tahanan na kaniyang kinalalikahan noon.

Magmula sa video na ibinahagi ni Lyca, mapapansin ang pagiging simple ng kanilang pamumuhay, at ang pagkakaroon ng masaya at buong pamilya ang siyang mahalaga para sa kaniya.

Hindi importante ang mamahaling bagay at malaking bahay upang makuntento, dahil para kay Lyca, ang makasama ang kaniyang pamilya at maibigay ang kanilang pangangailangan ang siyang mahalaga ngayon para sa kaniya.

Lyca Gairanod, masayang ipinasilip ang kanyang bahay na naipundar para sa kanyang pamilya Lyca Gairanod, masayang ipinasilip ang kanyang bahay na naipundar para sa kanyang pamilya Reviewed by Trending Daily on November 02, 2020 Rating: 5

No comments

/* remove m=1 blogger by www.raqmedia.com/ */